Tungkol sa Awtor

A photo of Simon Ager, author of Omniglot, taken on 26th January 2023

Ako si Simon Ager, naninirahan sa Bangor sa bansang Wales at kumikita ako mula sa website na ito. Ako'y nagmula sa Lancshire sa hilagang-kanluran ng Inglatera, at nanirahan din ako sa Pransya, Jersey, Taiwan at bansang Hapon.

Pinag-aralan ko ang salitang Pranses at Aleman sa paaralang sekondarya at nagtapos ng BA sa Intsik at Hapones sa Pamantasan ng Leeds. Noong nasa ikalawang taon ako ng aking kurso ginugol ko ang isang semestro sa pag-aaral ng Mandarin sa Taipei, isang semestro din sa pag-aaral ng Hapones sa Osaka, at ang nalalabing panahon sa paglibot sa Tsina at Hong Kong.

Nang ako'y makapagtapos sa pag-aaral, ako ay naging iskolar sa loob ng isang taon upang matutunan ang salitang Intsik sa Taipei, at nagtrabaho doon para sa British Council sa loob ng apat na taon. Bumalik ako sa UK noong 1998. Sinubukan kong magtayo ng sarili kong negosyo tulad ng pagdedesinyo ng web at pagsasalin ng mga wika. Subalit hindi ito naging matagumpay. Magkaganoon man, ito ang naging daan upang masimulan at malinang ang website na ito, at pagkatapos ay nagtrabaho ako bilang "multinlingual job developer" sa Brighton.

Noong 2008 ako'y natanggal sa trabaho. Sa kabutihang palad, noong mga panahong yon ay kumikita na rin ako ng sapat mula sa Omiglot para ipagpatuloy ang takbo ng buhay, subalit hindi na sa Brighton. Napagtanto ko na oras na para magkaroon ng pagbabago, at isinaalang-alang ko ang pagkakaraoon ng iba't ibang alternatibong trabaho tulad ng pagtuturo, tagapagsanay para sa mga nahihirapang magsalita, at pagsama sa sirko. Nagpasya din ako ng kumuha ng MA sa Linguistics sa Bangor, at nanatili na doon simula noon.

Nakakapagsalita ako ng mahusay sa Ingles, Pranses, Welsh, Mandarin, at Irish. Kaya ko din magsalita ng salitang Aleman, Hapon, Scottish Gaelic, Espanyol, Manx at Esperanto, at may sapat na kaalaman din sa Taiwanese, Cantonese, Italian, Portuguese, Czech, Russian, Breton, Dutch, British Sign Language (BSL), Cornish and Toki Pona.

Iba pang mga detalye tungkol sa pag-aaral ko ng iba't ibang wika.

Susunod sa mga wika, ay ang aking pagkahilig naman sa musika - umaawit ako sa ilang mga koro at iba pang mga grupo, sumusulat ng mga kanta at himig, tumutugtog ng iba't ibang instrumentong pang musika, at malimit ay pumupunta ako sa mga konsyerto. Nasisiyahan din ako sa pagbabasa at pag-juggling.

Siyanga pala, baka sakaling nagtataka kayo, ang aking apelyido ay Ager, tamang pagbigkas ay /'eɪgə/. Ito ay tila nagmula sa pangalang Saxon na Ēadgār.

 

Translated into Tagalog by Vaan Ratsbane, with corrections and additions provided by David Greenberg of Parliament tutors

Information about Tagalog | Baybayin script | Phrases | Numbers | Time | Tongue twisters | Tower of Babel | Books about Tagalog on: Amazon.com and Amazon.co.uk [affilate links]

About me in other languages

অসমীয়া, Bahasa Indonesia, Bahasa Melayu, বাংলা, Brezhoneg, català, čeština, Chabacano, Cymraeg, dansk, Deutsch, eesti, English, Englisc, العربية, ελληνικά, español, Esperanto, فارسى, français, Gaeilge, Gaelg, Gàidhlig, Gutiska (𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺𐌰), 한국어, Hiligaynon, Hindi, Íslenska, italiano, עברית, Kadazan, Kala Lagaw Ya, Kernewek, Lingua Latina, magyar, मराठी, монгол, Neddersassisch, Nederlands, 日本語, norsk, occitan, ภาษาไทย, polski, português, român, Русский, Shqip, slovenčina, suomi, Svenska, Tagalog, Tamasheq, தமிழ், Türkçe, ײִדיש, 中文

About this site | Omniglot - a potted history | About me | My language learning adventures | My musical adventures | My singing adventures | Song writing | Tunesmithing | My juggling adventures

[top]


Green Web Hosting - Kualo

You can support this site by Buying Me A Coffee, and if you like what you see on this page, you can use the buttons below to share it with people you know.

 

The Fastest Way to Learn Japanese Guaranteed with JapanesePod101.com

If you like this site and find it useful, you can support it by making a donation via PayPal or Patreon, or by contributing in other ways. Omniglot is how I make my living.

 

Note: all links on this site to Amazon.com, Amazon.co.uk and Amazon.fr are affiliate links. This means I earn a commission if you click on any of them and buy something. So by clicking on these links you can help to support this site.

[top]

iVisa.com